Dull Moments

October 11, 2006

Nakabato. Naiinip na ako. Buggy ang sistemang ginagamit namin sa opisina. Lagi na lang may problema. Lagi na lang kailangang may kompromiso. Nakakainis na. Sana mabalik na lang sa dati, nang wala na lang problema. Oo, ito ang gusto ko: Ibalik ang dating sistema.

Inaantok na ako. Kung bakit kasi pinanganak ang tao na kailangang matulog ng halos walong oras, eh hindi naman pwede talaga kung nightshifter ka. Sana me exempted. Sana pag pinanganak kang destined maging call center agent, pwede mo na lang i-turn off yung feature na “needs at least 8 hours of sleep everyday”. Feature mo bang matatawag yun? O kaya naman sana may turn-off switch ang araw. Hindi naman talaga kasi built ang tao para matulog sa araw. Kahit kurtinahan mo pa ang kwarto mo ng galvanized na yero, malalaman pa rin ng utak mo na me araw pa rin sa labas. Di pwedeng dayain. Walang cheat mode kahit na puyat na puyat. Oo, kasalanan ko: Hindi kasi ako natulog nang maaga.

Birthday kasi ng isa sa mga kaibigan kong matalik. Happy Birthday, Katie! Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang pagpapalipas oras natin dyan sa may Baywalk habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw kanina. Masaya kahit na napuyat ako ngayon. Salamat sa iyo, hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin ang dagat. Masaya ba ako, tanong mo sa akin. Oo naman. Bukod sa yo na nagpapasaya sa akin, lubhang kumpleto na yata ang buhay ko. Nandiyan ka parati upang sagutin ang mga katanungan ko tungkol sa buhay, kahit limitado lang ang scope ng ating mga pananaw. Paminsan, mas gumugulo nga pag kausap kita, pero okay lang- mahalaga’y kasama kita sa oras na magulo ang isip ko. Oo, masaya na ako ngunit kailangan na lang ayusin ang ilang maliliit na detalye. Oo, inaamin ko: hindi ako perpekto, at ayos lang sa akin yun.

Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang maglaro ng Kingdom Hearts II kasama si Lukas bago matulog. Bakit ba naman kasi di ko tinapos yung isang boss. ‘Yan tuloy, nakasabit sa diwa ko ang mga tactics na gagawin ko para lang matalo yung kalaban. Hindi ko pa alam kung gagana yung estratehiyang naisip kow. Oo, tama ka: Adik ako sa larong pambata.

Ano kaya kung sumakay na lamang ako sa aking maliit na model ng DeLorean time machine at subukang ibahin ang pagtahak ng landas ng tadhana? Kaya ko kayang baguhin ang ilang mga bagay na parati ko na lamang pinanghihinayangan? Ano kaya ang idudulot nito sa aking pagbabalik sa kasalukuyan? Mas maganda kaya ang kalabasan? Mas maaayon ba ito sa aking kagustuhan? Papayagan kaya ako ng Bosing ng lahat na nasa Itaas? Oo, tama ka: Ang dami-dami kong tanong.

Sadyang ang daming pwedeng hayaang dumaan sa kaisipan para sa isang taong nakatunganga lang sa monitor habang naghihintay ng trabaho. Wala kasing bagong kantang dapat kantahin. Wala ring makausap dahil lahat ay abala rin- sa pagmumunimuni din. Marahil.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: