Pasko na talaga

December 15, 2006

Pasko na nga. Makikita mong ang dami nang parol sa paligid, kahit na mumunti’t simple lang na palamuting makulay sa mga poste ng ilaw. Maririnig mo ang iilan ngunit paparaming mga grupo ng batang magkakaroling sa harap ng inyong kabahayan. Maririnig mo na rin ang mga pamaskong awitin sa radyo, maging live sa mga malls. Makikita mo unti-unti na makukulayan ng pinaghalong berde at pula ang paligid, lalu na sa loob ng mga bahay. Sa labas naman, malalanghap at mararamdaman mo talaga ang malamig na simoy ng hangin na di mo mahahanap sa kahit anong parte ng taon. Maaamoy mo na rin ang samyo ng pandesal na mahahaluan na ng puto bumbong at bibingka tuwing umaga.

Iba kasi pag Pasko. Oo nga’t dapat talaga, ang diwa ng Pasko ay sinasabuhay sa buong taon, pero tuwing Disyembre lang kasi talaga nagkakaroon ng excuse ang mga tao na mag-relax ng konti, mamili ng regalo sa lahat ng mga kakilala nila’t batiin ang isa’t isa na para bang walang nangyaring away o gulo sa buong taon. Parang may magic ang Disyembre na di mo makikita sa kahit anong panahon, pero sa tuwing darati’y mararamdaman mo sa kahit saan ka magpunta.

Late ang pasko ngayon. Dati kasi, pagpatak pa lang ng Setyembre, excited na ang mga tao’t naghahanda na. December 15 na ng gabi, at ngayon ko lang nakita ang mga tao na humahangos sa traffic patungong shopping malls at tiangge, humahabol sa pinakahuling araw ng pagkakataon para makapamili ng mga regalo. Naalala ko, nung bata pa ako, Oktubre pa lang, nakikita ko na ang mga bagong laruan, sapatos at damit na nakabalot na’t nakahanda na sa ilalim ng Christmas Tree sa sala. Ang tatay ko, abala na rin sa pag-iisip kung anong magandang disenyo para sa Belen sa taong iyon. Nakaka-miss din pag bata ka, mas mataas ang antas ng excitement kaysa papatanda ka na. Pero iba ngayong taong ito. Nandyan kasi si Luke para maging excited para sa amin ni Ethel. Ang sarap talaga pag mayroong miyembro ng pamilya na di pa masyadong nadudungisan ng panahon at pagod sa buhay ang kanyang payak na konsepto ng Pasko.

Kasabay ng opisyal na pagpasok ng diwa ng Pasko ngayong gabing ito ang aking pagkamangha sa ilang mga bagay na taun-taon namang nangyayari. Taun-taon naman kasing mayroong napakalaking Christmas Tree sa loob ng Shangrila Mall sa Shaw. Taun-taon din namang may kumakantang choir sa malaking hall ng nasabing lugar. Pero iba talaga ang Pasko. Kahit taun-taon mo nararamdamang darating sa ‘yo, hindi mo talaga maiiwasan ang maantig. Siguro dahil sa wakas,  matapos ang isang napakahaba at napakahirap sigurong taon, dumating na rin ang panahon na ito kung saan mas ramdam mo ang puso ng mga tao. Habang kinakanta ng UP Singing Ambassadors ang ilan sa mga paboritong pamaskong kanta ng mga Pilipino, di ko maiwasan ang mapangiti kahit ako’y nag-iisa. Masaya ako’t napadaan ako ngayong gabi para makapakinig sa kanila. Matagal-tagal na rin kasi akong di nakakapanood ng ganitong pagtatanghal. At gayundin, naaalala ko ang mga kasama ko sa choir noong nakaraang Christmas Party namin sa opisina.

Second place lang ang nakuha namin sa patimpalak ng gabing yun, pero hindi namin alintana at pakiramdam namin ay nanalo pa rin kami. Ang aming napanalunan? Ang di malilimutang mga oras ng nakakapagod ngunit nakatutuwang praktis sa Davenport at sa Funroom. Ang hadalian ngunit masayang paghahanda mula sa pagpili ng kanta hanggang sa kung anong tono ba ang kukuhanin upang makuha lang ang pinakamagandang timpla ng aming mga boses. Syempre pa, di rin malilimutan ang mga bagong pagkakaibigan at mga dati pang lalong naging mas matibay matapos ang araw na iyon. Ramdam namin na walang border sa gitna ng departments ng aming opisina noong mga panahong iyon. Masarap ding isipin na sa tinagal-tagal na hindi ako nakakanta sa isang choir, naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam ng pagbahagi mo ng iyong talento para sa kasiyahan ng lahat. Matapos nito at sa gitna ng palakpakan bilang masayang pagtugon at pagbati sa aming minsanang pagtatanghal, hindi nga kami nag-uwi ng pangunahing premyo, pero masaya pa rin at kuntento.

Inaasahan kong magmula sa gabing ito, dadami na ang mga ilaw na kumukutitap sa paligid. Dadami na rin ang mga carolers na mamamasyal sa mga kabahayan ng kahit anong lugar. Magsisimula na ring magbakasyon ang mga tao sa iba’t-ibang lugar upang makasama ang kanilang pamilya’t pinakamalalapit na kaibigan sa panahong ito. Patapos na rin ang taong 2006, at wala akong masabi kundi “Salamat.” Salamat sa lahat ng  mga natutunan ko ngayong taong ito. Maraming nagbago, maraming naranasang sarap at pasakit, ngunit ang mahalaga, nakikita pa nating maganda ang mga araw na darating para sa 2007, datapwa’t mas pagagandahin pa ito ng mga alaala ng nakalipas na taon.

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon! 🙂

Advertisements

Random Pics Ulit

October 28, 2006

This is just one lazy Saturday morning in my In-Laws’ house (Masile Island, Malolos City). We were watching V for Vendetta, and, if I remember it correctly, we followed it up with Moments of Love. Yupyup! We were kinda bored that day. Relaxed, though, after a very tiring week.
Lovin’ the SYKES logo hanging on the elevator hall of OSMA’s 19th floor. It wasn’t there last year, though. Might have been added there when they renovated HR’s receiving area for Sykes Manila applicants.

Me and my honey in SM City’s The Block. We were going up on an escalator. I pulled out my phonecam and took a quick snapshot.

Turned out to be one of the cutest pics we’ve ever had in years. Look at that sweet sweet smile. And look at me… no chubby cheeks! Yihee!

Still in SM City’s The Block. This was taken inside one of the mall’s newest cinema places. T’was my birthday, by the way. Weird, I was the one who insisted on watching "Till I Met You". Even more odd, I liked the movie. (Although I specifically hated Robin Padilla’s acting in this movie.)

Me and Jameela in OSMA’s Ministop. This was taken weeks before Halloween 2006. We were surprised to see that they are actually selling Halloween stuff, so we said we might as well play around with it.

We liked the witch hats, obviously.

MRT Shaw Station, Southbound rail.

I hear voices whenever I stay in this place: "Ingat!" "Next train na lang, puno na kasi…" "I’m so tired and sleepy." "Ang layo pa ng pupuntahan mo ah…" "Naikwento ko na ba sa ‘yo…" Sigh. Such sweet memories.

This is King. A colleague, a friend and one of my most favorite buddies at work. No matter how low you are feeling on a given day, he can surely make you laugh. Such a jolly person.

We made a caption for this pic: "Good morning! I’m so happy today! F**k you!" HAHAHA!

Thank You

October 13, 2006

The nicest things in the world come in simple packages. Today, October 13, is my 28th birthday, and I thought it’d be like any other since my day always start at night while the rest of the world is sleeping. I’m no special guy, and I’m not really expecting gifts and big greetings, as those things come while you are young and just go as you grow older. Sadly, a kid’s magical sense of Christmas and birthdays wither away as years go by. But, as the day unravels, I’m beginning to receive lots of things and signs that really makes me a bit happier than I already am. And I’m most grateful everytime it happens.

This time here, though, I’m thanking who I consider my “greatest pal in the office”- Jenyfer. Today, in the middle of a training class, she brought here a little cake with a lit candle on it and led everyone in class to sing “Happy Birthday”. Although a little embarrassed with probably my face turning red all over, I felt really really special. A little-kid-kinda-special feeling… something that I’ve never had for a very long time.

Friend, it’s a little cake, but I know there’s a big chubby kind sincere heart in it. You know, for someone with whom I’ve been spending a few days like cats and dogs do, you have a knack for making my day brighter. I may not be able to express it more deeply whenever we’re around, but here is where I really mean it: “Thank you so very much.”

Yup, some things do never change. 🙂

Dull Moments

October 11, 2006

Nakabato. Naiinip na ako. Buggy ang sistemang ginagamit namin sa opisina. Lagi na lang may problema. Lagi na lang kailangang may kompromiso. Nakakainis na. Sana mabalik na lang sa dati, nang wala na lang problema. Oo, ito ang gusto ko: Ibalik ang dating sistema.

Inaantok na ako. Kung bakit kasi pinanganak ang tao na kailangang matulog ng halos walong oras, eh hindi naman pwede talaga kung nightshifter ka. Sana me exempted. Sana pag pinanganak kang destined maging call center agent, pwede mo na lang i-turn off yung feature na “needs at least 8 hours of sleep everyday”. Feature mo bang matatawag yun? O kaya naman sana may turn-off switch ang araw. Hindi naman talaga kasi built ang tao para matulog sa araw. Kahit kurtinahan mo pa ang kwarto mo ng galvanized na yero, malalaman pa rin ng utak mo na me araw pa rin sa labas. Di pwedeng dayain. Walang cheat mode kahit na puyat na puyat. Oo, kasalanan ko: Hindi kasi ako natulog nang maaga.

Birthday kasi ng isa sa mga kaibigan kong matalik. Happy Birthday, Katie! Hanggang ngayon, naaalala ko pa ang pagpapalipas oras natin dyan sa may Baywalk habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw kanina. Masaya kahit na napuyat ako ngayon. Salamat sa iyo, hanggang ngayon, naaamoy ko pa rin ang dagat. Masaya ba ako, tanong mo sa akin. Oo naman. Bukod sa yo na nagpapasaya sa akin, lubhang kumpleto na yata ang buhay ko. Nandiyan ka parati upang sagutin ang mga katanungan ko tungkol sa buhay, kahit limitado lang ang scope ng ating mga pananaw. Paminsan, mas gumugulo nga pag kausap kita, pero okay lang- mahalaga’y kasama kita sa oras na magulo ang isip ko. Oo, masaya na ako ngunit kailangan na lang ayusin ang ilang maliliit na detalye. Oo, inaamin ko: hindi ako perpekto, at ayos lang sa akin yun.

Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang maglaro ng Kingdom Hearts II kasama si Lukas bago matulog. Bakit ba naman kasi di ko tinapos yung isang boss. ‘Yan tuloy, nakasabit sa diwa ko ang mga tactics na gagawin ko para lang matalo yung kalaban. Hindi ko pa alam kung gagana yung estratehiyang naisip kow. Oo, tama ka: Adik ako sa larong pambata.

Ano kaya kung sumakay na lamang ako sa aking maliit na model ng DeLorean time machine at subukang ibahin ang pagtahak ng landas ng tadhana? Kaya ko kayang baguhin ang ilang mga bagay na parati ko na lamang pinanghihinayangan? Ano kaya ang idudulot nito sa aking pagbabalik sa kasalukuyan? Mas maganda kaya ang kalabasan? Mas maaayon ba ito sa aking kagustuhan? Papayagan kaya ako ng Bosing ng lahat na nasa Itaas? Oo, tama ka: Ang dami-dami kong tanong.

Sadyang ang daming pwedeng hayaang dumaan sa kaisipan para sa isang taong nakatunganga lang sa monitor habang naghihintay ng trabaho. Wala kasing bagong kantang dapat kantahin. Wala ring makausap dahil lahat ay abala rin- sa pagmumunimuni din. Marahil.

Kakaibang Milenyo

September 29, 2006

Matapos ang pananalasa ng bagyong pinangalanang Milenyo sa di pa ipinapaliwanag na dahilan, marami-rami rin naman akong maisasaad na kwento tungkol sa mga kakaiba kong nakita sa mga nakaraang araw simula Miyerkules. Kakaiba, dahil di naman kadalasan talagang mangyari ang isang bagyong magpasikat sa pamamagitan ng paglusob ng diretso papuntang Metro Manila. Of all places, sa Maynila pa, ang pinakasikat na lungsod sa Pilipinas. My gosh.

Yup! Simula pa lang ng Miyerkules ng umaga ay ramdam na ramdam ko na ang lakas ng bagyong ito. Nagmatigas pa kasing pumasok nu’ng kinagabihang yun sa kabila ng pagpupumilit ng lahat na huwag nang pumasok kung nais ko pang mabuhay. Ito’y sa kabila rin ng katotohanang pagkalakas-lakas ng volume ng TV nung sinabi ni Mike Enriquez na pihadong signal no. 3 na kinabukasan sa Maynila. Bakit nga ba ako pumasok? Kakaiba kasi ang dahilan ko: masarap magtrabaho pag umuulan. Malamig. Masarap kumain at magkape pag lunchbreak.

So, ayun! Kinabukasan, paglabas ng building, sampal kabi-kabila ang inabot, salamat sa 130kph sa bilis ng hanging biyaya ni Milenyo. Bukod pa yun sa lakas ng ulan na para bang nagsasabing “Hala! Sige! Papasok sa trabaho pala, ha!” Sa pag-aalalang baka abutin ng maghapon sa paghihintay sa pagtila ng ulan, sinugod ko na lang ang ulan. Nakakailang blocks pa lang ako sa Shaw, nagdesisyon na akong mag-taxi. Tingin ko kasi nuo’y parang hinahampas ng dyaryo ang pantalon kong medyo maluwag sa aking binti sa lakas ng hangin. Bukod pa sa kokonting lakad pa lang, basang-basa na ang aking rubber shoes, parang kasabayan ko si Donald Duck sa tunog ng sapatos sa bawa’t hakbang. Squeeek!
Mas kakaiba pagdating ko sa bahay. Matagal-tagal na rin nang huli kong makita ang mga kapitbahay ko na mag-conference sa bubong ng kani-kanilang mga bahay dala-dala ang martilyo’t ilang mga mabibigat na bagay tulad ng gulong. Sa kasagsagan ng bagyo, nakakita ako ng mga nagsasayawang TV antenna, mga punk na punong sabay-sabay sa pag-headbang, mga nagliliparang yero at mga naglalamyerdang mga sanga ng puno. Ang maliit na bahay ng kapitbahay namin ay di rin nakaligtas. Matapos mag-ingay ng bubong dulot ng paghampas nito sa mismong kabahayan, nagdesisyon na itong lumipad palayo sa huling sigwa ng hanging may dalang ulan. Sumunod na nagsipag-backout ang bintana, dingding at pader. Hayun, natirang nakatayo ang pundasyon ng bahay at isang piraso ng yero.

Ang isa pang kakatwa dito’y ang nakatutuwang pagsalubong ng mga Pinoy sa isang bagyo. Kung sa ibang bansa nangyari ito, malamang ay headlines na sa CNN. Dito, sa kalagitnaan ng pagsalanta, parang may party pa sa kalsada. Habang natatanggal ng isa-isa ang mga parte ng bahay, habang nagtutumbahan ang mga puno, habang gumegewang ang mga bus at kotse sa daan ay sya namang hiyawan at palakpakan ng mga tambay sa di kalayuan. Nakaka-aliw pakinggan. Sarap pagbabatukan.

Parang war zone kinagabihan, nang sa aking kakulita’y pinilit ko pa ring pumasok. (Aba eh brownout at wala naman akong kasama sa bahay, magpapasarap na lang ulit ako sa opisina.) Habang papalapit ako ng Ortigas, para bang unti-unting kong tinatahak ang landas papuntang Silent Hill. Unti-unting nahuhukot ang mga poste, unti-unting dumadami ang mga sanga sa daan, unti-unting dumadami ang mga sirang kalsada, unti-unting nawawala ang mga tao’t sasakyan, unti-unting inaagaw ng dilim ang liwanag. Pagdating ko sa Ortigas Center malapit sa building namin, wala na… dilim na lang. Kung di lang may generator sa opisina namin, malamang, di ko na makikita’t di na ako nakarating sa aking paroroonan.

Again, bakit ko ginustong pumasok ulit? Dahil brownout sa amin. Very nice. Lesson: Pag sinabi ni Mike Enriquez na Signal Number 3 sa Maynila at huwag na kayong pumasok, bawal ang makulit.

FX Blues (Part 1)

September 26, 2006

Requirement siguro sa pag-aaply ng driver’s license para sa drivers ng FX Taxi ang talentong maging rude sa mga pasahero. Gabi-gabi na lang na ginawa ng Diyos, puro kunsumisyon na lang ang inaabot ko makarating lang sa lugar ng aking trabaho. Di pa man nagsisimula ang araw, mainit na ang ulo ko, kung hindi man ubos na ang lahat ng kinain ko sa hapunan, or kung hindi man kapareho ko na ng amoy ang mga paseherong nakasama ko sa paglalakbay.

To think na night shift pa ang trabaho ko nyan- inaasahan na sa oras ng aking paglisan sa bahay ay siya namang pag-uwi ng nakararaming nagtratrabaho sa umaga. Kumbaga, pauwi pa lang sila, papasok na ako. Tama ba?

Masarap sa night shift. Walang traffic. Walang masyadong takot sa mga mandurukot sa daan, contrary sa mga sinasabi ng iba. Mas alerto kasi ang mga tao sa gabi. Tingnan mo ang mga naglalakad sa Shaw. Halos lahat ay nakapamulsa, ubos na kasi ang pera sa pagtatapos ng araw. Lugi ang mga mandurukot sa mga oras na ito. Tama lang na matulog na lang para may recharge para sa panibagong panggogoyo kinabukasan.

Mahirap lang talaga ang sumakay sa FX Taxi. Palibhasa, patapos na ang araw, kailangang kumita nang malaki sa huling biyahe. Yun nga lang, kunsumisyon naman ang inaabot ng mga pasahero. Sa paanong paraan? Madaming madami.

Ang FX Taxi ay binubuo ng tatlong bahagi: Ang unang bahagi ay para sa driver at sa uupo sa passenger’s seat. Yun yung upuan sa gilid ng driver. Ang ikalawang bahagi ay ang pang-TATLUHANG upuan sa gitna- nakaharap pa rin ito sa daan. Ang ikatlong bahagi ay ang dalawang hilera ng silyang harapan sa isa’t-isa, kung kaya’t di ito nakaharap sa kalsada. (Obvious ba?) Kung bakit isinasaad nang mabuti dito ang posisyon ng upuan ay malalaman nyo rin sa mga susunod na talata.

Ang passenger’s seat sa tabi ng driver ay pang-isahan lang. Kung bakit kasi kailangang dalawa ang uupo dito sa bawa’t biyahe?! Kung katabi mo ang cambio ay malas mo talaga. Sa bawa’t pagtaas ng shift ay sya namang hagip sa tuhod mong kawawa. Kung babae ka’t naka-palda, malamang na-tsansingan ka na. Tsk tsk.

Sa gitna, ganun din. Pang-tatluhan, pero pinipilit isiksik ang apat. Lahat na siguro ay pwedeng pagpalitan sa kahabaan ng inyong byahe- kung amoy bangus ang katabi mo, malamang bangus fragrance na rin ang cologne mo sa pagdating mo sa iyong paroroonan. Kung mga tigasin ang mga nakatabi mo’y ipagpipilitan pang ang mga likod nila ang nakalapat sa sandalan. Wala ka namang magagawa kundi ang tumalungko na lamang. Kung isang oras at kalahati ang byahe mo, malamang na hunchback ka na pagbaba mo sa iyong destinasyon, kung di man nangangailangan ng matinding masahe ang iyong maselan na spinal chords. Lesson: Uminom ng gatas na may calcium parati.

Ang matindi talaga ay pag nasa likurang upuan ka. Sa mga byaheng probinsya, dito kadalasang pinapaupo ang mga pasaherong maraming dalahing bagahe tulad ng gulay, mga napamili sa SM, mga tinaling manok, appliances na pwedeng pagkasyahin sa sasakyan, mga naglalakihang regalong pang-birthday o pangkasal, mga maiingay na bata… Susumpain mo ang nag-imbento ng disensyo ng sasakayan pag nagkataong nasama ka sa siksikang bagaheng ito sa kahabaan ng iyong 1-hr na biyahe. Pag nagkataong nakaupo ka pa sa lugar na hindi katabi ang pintuan, pihadong mamamangha ka sa husay mo sa pagsiksik sa napakaliliit na butas matapos mong makalabas. Yun eh kung makakalabas ka pa.

TO BE CONTINUED…

Work Mode

September 20, 2006

me and the vending machine

Who would have thought that I’d be coming up with my 5th official blog site today?! Well, I intend to use my new WordPress blog for work stuff, since this is the only blog that I have configured so far using Adobe Contribute 4.

Ah yes, Contribute 4. At this point, the application isn’t released yet. I’m sure most bloggers using Blogger and WordPress would be excited to know that there’s finally a blog editor out in the market. Actually, there are some already out there, but are not under a big name like Adobe. I still have to see if using Contribute to create or edit my blog entries would be more efficient instead of just logging on the blog servers. At this point, I found it a bit of a disappointment to know that you can’t edit your blog’s main template here. I’m sure a lot of customers would want that on the next update/release.

This wordpress thing is actually a test blog. So, expect nothing serious about it. Mai, if you’re reading this, this could be where you’d see my attempts to do Bob Ongs. But I’ll save that for later. For now, I’ll just need to finish this since it’s almost 6 in the morning already. I still have to wake up Jeny “Sleeping Beauty” in the fun room before heading to work. I’m starving and so sleepy but I still have a lot to do before heading home. Damn those sidejobs. Life would really be easier later this year, that’s for sure- no more loans and bills, my money will just be mine! MUHAHAHA!

Wait. Make that OURS. Hehehe…